Wednesday, October 19, 2005

365 days of freedom

1998.
Image Dimensions Advertising.
Isang ambag ko ito bilang paggunita
at pagdiwang ng ika-sandantaon taong kalayaan
ng Pilipinas mula sa pagkakasakop ng Espanya.

Bilang pakana ng aming presidente(Nonna),
ang bawat isa sa aming tanggapan ay naatasang lumahok.
Ibat-ibang uring likhang sining, may oil paint sa canvass,
water kolor, pen and ink, colored pencil,
maskarang bading, may cake desayn, air brush,
tula, kwento, may Kulads, may litrato, may menu
at syempre pa may komiks. Inipon at inihulma
sa isang libro ng talaarawan upang ipamigay ng libre.

Image hosted by Photobucket.com

Komiks sa kanbas na may pamagat na: "Ebidensiya"
Guhit ni: mangguhit

Tuesday, October 18, 2005

Santa's Search

Agosto pa lang siguro nun kung hindi ako nagkakamali,
pampaskong script na ang ibinigay sa akin
ng editor(na hindi ko na maala-ala
ang kanyang pangalan)ng Terror komiks
ng Mass Media Publication.
Magkalapit lang sila
ng Atlas kung kaya't minsan
ay dumadaan na rin ako.
Makailang beses din akong sumubok kumuha
ng script dito. Sa totoo lang ay hindi din
ganuon kabilis magbigay ng script ang mga editors
lalo na't bagito lamang ako.
Gayundin sa Atlas na unang nagbigay
ng pagkakataong sa akin
na makaguhit sa komiks.

Sa akin naman ay gusto ko lang talagang sumubok magdrowing
at makita lang ito sa lathala ay isa ng kasiyahan.
Isang munting pangarap na nabuo sa pagnanasang gayahin
ang mga guhit nina Clem Rivera, Nestor Malgapo, Hermoso Pancho,
Cal SobrepeƱa, Rico Rival, Mar Santana, Lan Medina
at marami pang ibang magguguhit na madalas kung tingnan.

Kahit abala ako sa pag-aaral ay nagagawa ko pang isingit
ang pagguhit ng komiks na hindi ko na maalala
kung ilang araw o lingo din bago ko natapos.
Isang magandang karanasan ito na hanggang ngayon ay nasasariwa
sa tuwing masusulyapan ko itong guhit ni: mangguhit

Story: Carl E. Bayonito
Illustration: Bong Leal

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Ambag ko sa mundo

Isa sa mga pinaka cute na ginuhit ni: mangguhit

 

Friday, October 07, 2005

Habang tulog

Nabuklat ko lang ang sketch kong ito isang gabi habang
inaayos ko ang sandamukal kong kalat.
May katagalan ko na rin palang hindi ako nakakaguhit
ng ganito...in-sketch ko ito gamit ang pentel brush...
Kapag relaks ay madaling nagagawa
ang ganitong klaseng guhit ni: mangguhit

 


Ang modelo ko nga pala ay walang iba kundi ang aking mahal na maybahay.

Wednesday, October 05, 2005

Oras

Isang panel sa kasalukuyan kong pinagkakaabalahang komiks na di matapos-tapos.
Sabado't linggo lang talaga ako nakakadrowing, minsan hindi pa.
Sa trabaho ko, sinusulit kami ng husto kaya pagdating ng bakasyon talagang pahinga lang.
Mahirap din kasing gumuhit pag-uwi galing sa opisina bukod sa gabi na,
pagod ka pa at syempre humihingi rin ng oras ang aking mga bulilit at asawa na gustong maglambing.
Minsan nga naiisip ko na ang bawat sandaling ginugugol ko sa pagguhit
ay siya ring sandaling oras na inaagaw ko sa kanila.

Kaya ang munting 'nyong pagtanaw aking ginuhit ay katumbas ng mahahalagang oras na inamot ko sa kanila.

 


Salamt sa mga nag-ukol ng pansin sa guhit ni: mangguhit