Thursday, October 12, 2006
Askals 3
Matutunghayan sa Komikon sa UP bahay ng Alumni
ngayong ika-21 ng Oktubre ang Askals 3 (isa lang ito
sa mga ibebenta namin, iaanunsiyo ko na lang
sa ibang araw yung iba pa).
Pagpasensiyan nyo kami dahil kami’y biglang nawala---
sa mga kumuha dati ng Askals 1 at 2...at nabitin...
...ito na ang huling bahagi ng unang tatlo.
Sa katunayan Disyembre pa lang ng 2005 tapos na siya.
hindi lang masyado naasikaso talaga...
wala kaming nilapitan tindahan
para magbenta...ay meron pala, pero may problema
kaya di na rin natuloy, simula nun andyan na lang siya nakatabi...hanggang matakpan ng trabaho.
Tsaka eto pa ang maganda...
kauna-unahan sa kasaysayan ng pilipin komiks
meron itong deleted na pahina (naks parang dvd)
opo...di ko alam kung pa’no nangyari pero nangyari...
‘di lang sadya, di rin gimik...sumpa man...
Nangyari na pero wala namang pagsisisi
di naman masyado nakaapekto sa kwento
maliban lang kung mabilis ang mata nyo
mapapansin mo at hahanapin ito.
Dugtong nyo na lang kung saan he he he...
obyusli sa maaksiyong parte ito.
Doon nga pala kami sa sa table ng
Mars Ravelo’s Marvelous Characters
sila ay minor sponsor ng Komikon.
Kasama namin si Reno Maniquis ( Maskarado at
nagbigay ng bagong anyo ni Capt. Barbell).
Andun din si Dodo Dayao ang partner ko sa Askals.
Labels:
comics
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
gusto ko ang style mo, blacking, storytelling, layout, etc. sana naman ma-realize ng karamihan ng mga indies ngayon na hindi lang 'manga' at superhero/power fantasies na walang 'wenta ang paggawa ng komiks hahahaha. keep up the good work!!!
salamat randy...
tama ka dyan mas maraming makabuluhang kwento ang mga pinoy na magandang isakomiks. katulad na lang ng diyosa hubadera...(naks!) he he he..
ser bong...kumusta na? medyo matagal narin tayong hindi nagkausap...hehe feeling close...^_^ gusto ko lng po itanong kung nape-pressure ka rin sa mga trabaho mo...hehe minsan xe, ako, parang naghahanap pa'ko ng mood bago ko mayapos yung isang drawing...tuloy, laging late sa deadline...gaya sa lastikman...hehehe nakakahiiya na nga e. nga pla, nakita ko po yung mga bagong lastikman artworks niyo, ang lupit parin talaga...hehe
gumagawa po kami ngayon ng batang version...sana ok naman...wla lng...feeling ko lang po xe, kulang ako sa guidance e...sana ok lng po. salamt ulit ser!!! kip ap da gud werk!!!!
Post a Comment