Sa kasalukuyan ay may pinaglilibangan akong komiks
hindi ito banyaga, ito’y para sa ating mga pinoy, pilipino ang wika.
Hindi ko pa pwede sabihin ang pamagat kasi lihim pa (confidential).
Sa akin lahat ang art, (lapis, tinta at kulay),
Isa lang ang tumbok ng komiks...Pilipino Komiks, Para sa Pilipinas!
Bentahe sa akin ang ganito
kasi sa simula’t simula pa na magkomiks ako
ay pilipino komiks na ang tinitingnan ko.
Kumbaga nakaugat ang paraan ng pagguhit ko sa pilipino komiks.
(Guhit ko ito nung nagsisimula pa lang ako.)
Ang mga komiks artist na talagang naabutan ko
at kinamulatan, mga third generation na.
Ang sinasabi ko ay sina Mar Santana,
Hal Santiago, Lan Medina, Clem Rivera,
Steve Gan, Cal Sobrepeña, Noly Zamora
Joey Otacan, Toti Cerda at marami pa.
Sila man ay may mga sinundang “Kultura sa pagguhit”
Yan ay yung mga nauna sa kanila at kilala nyo na marahil
kung sino ang aking tinutukoy.
Ang mga ganitong estilo ng art ang kumiliti sa akin
upang humanay ako sa mga pilipinong mangguguhit
at maging kaisa nila. Ilan lang sila
sa mga naging inspirasyon ko at maaring
nakaimpluwensiya na rin.
Gayunpaman napahanga rin ako ng ibang lahi
katulad ni Katsuhiro Otomo, Hiroaki Samura,
at Hayao Miyazaki ay ilan lang sa mga hapones artist.
Ang iba pa ay sina Joe Quesada, Andy Kubert,
Joe Madureira, Travis Charest, John Paul Leon
at iba pang mga amerikano at latinong artist.
At masasabi kong kakaiba ang style nila.
Hindi maiaalis na may impluwensiya rin silang dulot sa ‘kin
At dahil sa kanila ayokong mangamba na ang kultura
na aking sinusundan sa pagguhit ay naglalaho na.
Kaya po ipinost ito gusto ko pong makakuha ng puna.
bagaman isang pahina lang ito.
Kung huhusgahan mo ito... may mababakas pa ba...
o gaano kapinoy ang artstyle na ‘to?
Ano pa ang kulang? o tama lang ba?
Syempre hindi ako kasing husay nina Whilce,
Leinil, Gerry, Anacleto, Carlo Pagulayan.
Sila’y nasa ibang antas. At ibang usapan na yon.
Para sa akin lang kasi na isang tunay na pilipino
Isang mahalagang bagay na mapagpahalagahan
ang pilipinong paraan ng pagguhit ng pilipino komiks.
Ang mga Hapon ay isang magandang halimbawa
na sa bawat estilo ng pagguhit nila mababakas mo
ang kanilang kulturaat sa pananaw ko sa ngayon
yan ang sa atin ay nawawala na.
Masasabi mo bang tunay na pilipino komiks na to?
Maaaring sabihin nating nagbabago ang estilo ng pinoy sa pagguhit,
pero dapat nakaugat pa rin sa Kulturang Pilipino.
14 comments:
Hehe di ako puwede magcomment masyado kasi alam ko kung ano ito.
Kulang na lang dialogue.
Hint para sa ibang mambabasa: ang initials na M.R.
Sige bong baka patayin mo na ko :)
Bakit parang mas magaling yata ang first generation tulad ni Redondo, Alcala at Coching sa mga binanggit mong artist? Isa pa, mas mukhang luma ang gawa nila kaysa sa mga lolo natin sa komiks.
anonymous,
nung time (late 80's) na napahanga ako ng mga sinasabi kong pilipino artist ay hindi pa ako nakakakita man lang ng mga art ng nauna sa kanila (coching,redondo atbp).
Alam mo ba kung saan ako una nakakita ng art ni redondo? Sa Gasi publication, may mama dun at sabi nung iba kapatid ni nestor redondo, nagbebenta siya ng mga photocopy compiled komiks ni redondo. At dun talaga ako nainspired ng todo.
Totoong mas magagaling sila redondo at coching... kaya nga umangat ng todo ang komiks sa pilipinas.
Ngunit sa aking palagay, magkasing talento lang sila ng mga sumunod, yun nga lang hindi na sila nag evolve bagkus sinimplyfy pa nila ang style (kaya siguro sa iyong pananaw ay mas mukhang luma), kasi ang komiks sa paglipas ng panahon ay naging quantity over quality.
Dahil na rin sa sobrang tanyag ng komiks , mas maraming title ang kinailangang i-produce.
reno,
pero ano masasabi mo sa style?
pinoy ba? manga? o may pagka-manga?
western? o sobrang digital o tama lang?
Ang pacing manga-inspired (puwede ring masabing matrix-inspired), pero original style mo naman, kaya mas ok siya.
Di mo siya masasabing manga-style kasi wala ang conventions ng manga art (tulad halimbawa ng sangkatutak na speed lines).
May masasabi bang "sobrang digital" sa panahon ngayon ng computers? Maganda ang complement ng digital colors sa guhit-kamay, kaya't walang problema.
Maganda! Akala ko si Palos hehe :) Lalabas ba ito sa Komikon?
salamat gilbert,
hindi pa sa komikon,
baka december2006 pa,
kulang pa 'ata budjet :)
Preview sana sa komikon hehe.
meron yata preview sa komikon...
ok yan dapat talaga mahalin natin ang sariling komiks natin - ako nga may ginagawang concept ng pinoy superhero dito sa china pero dinedevelop ko pa - nalikha ko siya noon pang 1986 nung high school pa ako :)
-romilizada
1986?...sige hintayin ko yan, mukhang sobra ganda nyan ata. :)
oo sana lahat ng mga gumagawa ng komiks dito sa 'tin MAGLABAS NG PINAKAMAHUSAY NILANG GAWA....baka makatulong sa pagsigla ng industriya.
uy!!! salamat manilaboy, nadagdagan ang gwapo na dumadalaw sa blog ko.
oo sinadya at pinilit namin ni Dodo na ipahalata ng sobra ang setting... marami sa ngayon ang gumagawa ng komiks, sa pilipinas ang setting pero di ko maramdaman.
Dyan ko naipapakita kung paano ako humanga sa komiks ng mga hapon.
Pag nagbasa ka ng Manga... ang kultura nila masasalamin din.
oo 1986 nga hehe ang tagal na subukan ko lang ibalik at i-improve baka sakaling pu-pwede na-ispatan ko lang sa lumang baul ko hehe. Congrats sa komiks mo. :)
astig po ng askals! sobrang na-inspire ako dun sa style ng drawing at sa inking. Di po kc ako masyadong sanay makakita ng ganong style kc halos puro western at manga art ang talamak sa generation ko. basta. sobrang napahanga nyo ko sa askals. kahit indie siya ang ganda ng quality. Gusto ko rin yung concept na ginamit nyo at yung setting. parang quiapo pero hindi quiapo. ang galing nung pag-introduce ng story eh. minsan nga lang masyadong maraming shadows pag maramihan yung panels sa isang page kaya medyo di makita agad yung subject, pero overall maganda talaga ang effect ng hindi paggamit ng midtones sa shading. kudos!!!! sana po ipagpatuloy nyo pa ang komiks na to. astig talaga kayo! salamat din sa drawings nyo nung komikon!
nikki! oblation? is tat yu?
oo naalala kita isa ka sa nagpa sketch...sori di masyado sanay eh, praktisin pa ka hehehe. tama ka na ang generation nyo malakas ang impluwensiya ng manga kasi sa anime all media andyan, tv at cd, dvd. Kahit ako marami ako cd at dvd ng anime meron din ako mga manga (japaneese comics) at natututo at humahanga rin ako dito kumbaga inabutan ko pa rin. ang pagkakaiba natin ikaw nag sisimula pa lang magaral magdrowing samatalang ako mas naexpose sa gitna kasi meron na rin anime nun pero malakas pa rin ang hatak ng pinoy komiks.
at sigurado mas malaking hamon para sa inyo ang lumikha ng style na di aayon sa kasalukuyang kalakaran. baka makakatulong kung magdodrowing ka base sa totoong tao...yes! draw the real people, people around you...wag ka muna tumingin sa manga o anime...o kaya draw the real environment, building situation halimbawa baha traffic o kung sumasaky ka ng jeep tingnan mo ang mga kamay ng nakahawak sa istribo... o kaya magbabalot diba? idrowing mo ang kultura ng pinoy. pag aralan mo ang anino sa mukha o tama ng ilaw sa mukha nya gawin mo inspirasyon ang kultura at mga tao sa paligid mo, hindi yung mga nakadrowing na. actually yan ang turo sa amin ni Mel Silvestri prof ko sa figure drawing jan sa UP CFA. at tingin ko nakatulong siya.
Post a Comment