....sa mga nagpakana, bumuo at nakilahok sa Komikon 2006.
Katulad nung nakaraang taon, wagi na naman tayong
mga tagalikha ng komiks, maganda ang naging kinalabasan.
At sana sa mga susunod pang mga taon ang industriya
ay umakyat sa mas mataas na antas pa.
...sa mga bumili nito...
...at nito
Marvelous Komiks prebyu, silipin ang art ng Dyesebel na guhit ni ng bagong saltang si Cheyenne Quitana
...at sa mga bumili ng Askals 1-3, at Flash Bomba
...at sa mga gusto pang magkaroon may mangilan-ngilan na lang natitirang kopya.
...sa mga tumangkilik at nakapansin...
Gerry A.
neva
Randy Valiente
Marc Dimaano
Budj
Xerx Javier
john becaro
mar macalindog
at sa mga iba pang bumili na di ko masyado pa kilala...
kay prof. cezar hernando, (sir di kita agad namukhaan dito na ko sa bahay ng mapagtanto ko na ikaw nga yun prof ko sa production design).
kay Daniel Sysing artist ng Flash Bomba. (Daniel ba o David? ha Reno?)
...sa mga nagpa sketch...sensiya na di masyado sanay eh..
at dun sa first na nag pasketch sa kin at humingi ng tips
sa pagdrawing, sorry di ko malala ang name mo,
di bale sa muling pagkikita di ko na malilimutan yan.
...kay nikki and friends sa UP CFA
kay Direk Louie Reyes
kay Doc.Prof. FAfa Boyet CaawaY
at sa Malikhaing Direktor na si Alex Gener (bagaman di naka rating dahil nagsilang ng sanggol ang kanyang asawa sa mismong kaarawan ng komikon).
....sa asawa ko na karamay sa pag tupi at pagstaple
ng mga komiks na Askals at Noisy Blood.
....kay Kwin, anak ko... at tagalista ng benta ng komiks.
at sa mga nakalimutan ko pa...
‘sensiya na.
at nga pala... sa mga nakapansin sa deleted na page ng askals3,
may pabuyang naghihintay sa inyo, he he he...
(biro- biro lang!)
MARAMING SALAMT SA INYO LAHAT! Balik tayo next Komikon!
Mabuhay ang Komiks natin!... Mabuhay!
Mabuhay ang patay! Mabu... 'wag....patay tayo jan.
ay oo nga pala bili kayo ng Filipino komiks... dyan art ni Rico Rival, Rodel Noora, Dante Barreno, atpb., sa mga nami-miss ang tradisyunal na pilipino komiks ito na yon...
at sa mga tropa ni budj dyan sa harrison...
mga nakadaupang palad si Ian Sta. Maria at Ka-jo Baldisimo (tindi ng mga kamay nito... tsk.. tsk..)
kahit naubusan ako ng trese 5 at 6...
At gumawa nga rin pala ako ng pin up para sa trese... hehehe Budj asan libre ko :)
bumili rin ako ng Elmer ni Gerry, Tropa ni Gilbert, Diyosa Hubadera ni Randy V.
at Kadiliman prebyu ni Ed Tadeo....nakakaaliw rin yung Kapitan barangay Captain. Pag patuloy lang natin to at sa mga hindi ko pa nabilhan neks tym naman...:)
8 comments:
Walang anuman pare...Pagbutihin mo pa lalo at wag mong kalimutang i update mo kami tungkol sa mga gawa nyo ni Reno^__^
boss, pierre po ito! remember me? ako po yung friend ni nikki na nagpadrawing ng darna sa inyo nung komikon.
yung nabasa ko sa last page ng askals 3, malaki ang tama sa akin.
sa comics po kasi na ginagawa namin ako ang nagsusulat ng kwento at ng iskrip. buong buo na po ang konsepto ng lahat-lahat sa isip ko maliban sa iskrip.
ingles po kasi ang gusto ni nix. hindi naman po ako komportable dun. ewan ko po, pero parang mas masarap po talaga magsulat sa dilang nakasanayan na.
tapos nabasa ko pa po yung article ni taga-ilog sa komiks nila na 'fresh' (yung taga point zero comic po, yung nagdodrowing sa tapat ng table nyo.)may article sya dun about filipino comics. natamaan na naman po ako.
kung alam nyo po yung culture crash, sya lang po yung nagiisang kartunista dun na purong tagalog ang ginagamit sa pagsusulat. ganung-ganun po ang gusto ko. kaso ano naman ang magagawa ko. grupo kami ni nikki. hindi ako pwede magdesisyon ng para lang sa akin, hindi ba?
tulong naman po. o kung gusto nyo, kayo na rin po ang magpasiya
eto po yung blogentry ko sa friendster na may binanggit tungkol sa pagsulat ng iskrip
---
http://perrinerenoir.blogs.friendster.com/bipolar/2006/10/nagugulumihanan.html
salamat po ng marami.
nga pala boss, wala ako ng askals 2. saan po ba ako makakakuha? marami pa po ako gustong sabihin boss. pero siguro hanggang dito na muna ako.
sa ngayon.
ser bong!!!
salamat sa pagbanggit ng panagalan ko!!! hehe. sana sa susunod na magkita tayo makapagpasketch ako sa inyo. wala po kasi akong dalang sketchpad nun e...hehe sana sa susunod na taon makasali ulit ako (komikon)... at sana mas marami yung oras ko para makagawa ulit ng isa pang indie... sana talaga masundan yung flash bomba!!! hehehe
salamat talaga ser! sobrang bilib ako sa inyong istilo ng pagguhit...hanggang sa muling pagkikita!!!
david sysing
David,
pare...walang anuman alam ko magaling ka...papasketch din ako sa 'yo next komikon. Sabihin ko kina Zaldy ikaw na gumawa sa Flash Bomba. he he he reco kita pre!
perrinerenoi,
oo naalala kita, isa ka dun sa tatlo na sabay-sabay na lumapit sa kin...
alam mo marami talagang pilipino ang nagtatalo tungkol sa paggamit o pagsulat ng filipino o ingles sa komiks.
magbibigay lang ako ng konting opinyon ko tungkol dito...sa kin lang to ha?...
Para sa akin, baka kasi may kinalaman ang audience sa paggamit ng wika. Mas malawak ang audience mo kung English ang gagamitin mo kasi mas marami ang mkakabasa makakintindi sa komiks mo...katulad halimbawa ng Elmer ni Gerry Alanguilan na pati sa ibang bansa pwede.
Pero kung para dito sa pilipinas yan, mas mainam siguro na Filipino ang wika mo. Bakit ka mag iingles kung Filipino rin ang babasa?
school project naman yan so puro pilipino naman yata ang prof nyo
Ako'y naniniwala rin na ang komiks ay mainam na medyum para sa pagpreserba ng ating kultura. ang ating salita ay bahagi ng ating kultura. Basahin mo ang mga komiks nina coching dun mo masasalamin ang ating kultura. Ang sinsabi kong salita ay yung salitang napapanahon. Baka naman gamitin mo ay salita nuon... ang tinutukoy ko ay yung tipong taglish o kaya salitang "baklish" hehehe. Pinaka magandang halimbawa ay ang komiks ni Carlo Vergara na Zsa Zsa Zaturnnah.
atsaka baka tama ka rin na kung saan ka komportable sumulat doon ka.
Pero meron din kasing pilipino na mas komportable sa pagsulat ng englis, katulad halimbawa ng Trese ni Budjette Tan.Kahit gaano nya pilitin sumulat
sa Filipino...eh sa engglish pa rin ang bagsak nya. kasi nga dun siya komportable, mas dun natural na lumalabas ang galing nya.
eto sabihin mo kay nikki,
mas mapapaganda mo kamo ang skrip kung mas naiinspire kang sumulat. At naiinspire kang sumulat kung salitang Filipino ang gamit mo...ang salitang naksanayan mo na...kasi kung hindi, baka lang lumabas na pilit at hindi maganda.
ASkals 2? try mo mag email kay DOdo baka meron pa siya o ipareserba na kita ng isa...baka kasi sa Comic Oddessy nya dalhin ang konti na lang natitira kopya.
Eto email nya: dododayao@yahoo.com
Hingi ka ng advise sa kanya kasi english magsulat yan... pero Filipino gamit nya sa komiks.
Kamusta Bong!
Ako yung unang nagpa sketch sa inyo nung KOMIKON 06, pasensya na ngayon lang nagka oras na pumasyal sa blog mo.Gusto ko lang itanong pre kung kelan mo susundan ung ASKALS mo? at saan cya mabibili? :D At ngapala tungkol dun sa sinabi mo na praktis...ah eh..basta may papakita din ako sayo (malapit na ako magka oras para gumawa!).
Dexter
Dexter pare...yung askals baka matagal pa eh...
kasi gusto ko tapusin muna ang Darna.
tapos sumasabay pa 'tong sa Fullybooked,
entry namin ni Dodo.
Pare!.. wow... ako'y nagulat sa aking nababasa at nakikita sa blag mo. Akalain mo, kalaro ko sa basketbol ay isa palang mahusay na komikero(tama ba?.. hehehe)
tuloy tuloy mo pare!... sobrang galak ko kasi ikaw ang una kong nakilala na ganyan kahusay gumawa ng komiks. karir!
may mabibili pa kaya akong kopya ng Askals at Noisy Blood?
kitakits sa court pare.
Post a Comment