Friday, October 27, 2006

SALAMAT...

....sa mga nagpakana, bumuo at nakilahok sa Komikon 2006.
Katulad nung nakaraang taon, wagi na naman tayong
mga tagalikha ng komiks, maganda ang naging kinalabasan.
At sana sa mga susunod pang mga taon ang industriya
ay umakyat sa mas mataas na antas pa.

...sa mga bumili nito...
Photobucket - Video and Image Hosting

...at nito




Marvelous Komiks prebyu, silipin ang art ng Dyesebel na guhit ni ng bagong saltang si Cheyenne Quitana

...at sa mga bumili ng Askals 1-3, at Flash Bomba


...at sa mga gusto pang magkaroon may mangilan-ngilan na lang natitirang kopya.


...sa mga tumangkilik at nakapansin...

Gerry A.
neva
Randy Valiente
Marc Dimaano
Budj
Xerx Javier
john becaro
mar macalindog
at sa mga iba pang bumili na di ko masyado pa kilala...

kay prof. cezar hernando, (sir di kita agad namukhaan dito na ko sa bahay ng mapagtanto ko na ikaw nga yun prof ko sa production design).

kay Daniel Sysing artist ng Flash Bomba. (Daniel ba o David? ha Reno?)

...sa mga nagpa sketch...sensiya na di masyado sanay eh..

at dun sa first na nag pasketch sa kin at humingi ng tips
sa pagdrawing, sorry di ko malala ang name mo,
di bale sa muling pagkikita di ko na malilimutan yan.

...kay nikki and friends sa UP CFA

kay Direk Louie Reyes
kay Doc.Prof. FAfa Boyet CaawaY
at sa Malikhaing Direktor na si Alex Gener (bagaman di naka rating dahil nagsilang ng sanggol ang kanyang asawa sa mismong kaarawan ng komikon).

....sa asawa ko na karamay sa pag tupi at pagstaple
ng mga komiks na Askals at Noisy Blood.
....kay Kwin, anak ko... at tagalista ng benta ng komiks.

at sa mga nakalimutan ko pa...
‘sensiya na.

at nga pala... sa mga nakapansin sa deleted na page ng askals3,
may pabuyang naghihintay sa inyo, he he he...
(biro- biro lang!)

MARAMING SALAMT SA INYO LAHAT! Balik tayo next Komikon!
Mabuhay ang Komiks natin!... Mabuhay!
Mabuhay ang patay! Mabu... 'wag....patay tayo jan.


ay oo nga pala bili kayo ng Filipino komiks... dyan art ni Rico Rival, Rodel Noora, Dante Barreno, atpb., sa mga nami-miss ang tradisyunal na pilipino komiks ito na yon...

at sa mga tropa ni budj dyan sa harrison...
mga nakadaupang palad si Ian Sta. Maria at Ka-jo Baldisimo (tindi ng mga kamay nito... tsk.. tsk..)
kahit naubusan ako ng trese 5 at 6...
At gumawa nga rin pala ako ng pin up para sa trese... hehehe Budj asan libre ko :)
bumili rin ako ng Elmer ni Gerry, Tropa ni Gilbert, Diyosa Hubadera ni Randy V.
at Kadiliman prebyu ni Ed Tadeo....nakakaaliw rin yung Kapitan barangay Captain. Pag patuloy lang natin to at sa mga hindi ko pa nabilhan neks tym naman...:)

Thursday, October 12, 2006

Askals 3

Image hosted by Photobucket.com


Matutunghayan sa Komikon sa UP bahay ng Alumni
ngayong ika-21 ng Oktubre ang Askals 3 (isa lang ito
sa mga ibebenta namin, iaanunsiyo ko na lang
sa ibang araw yung iba pa).
Pagpasensiyan nyo kami dahil kami’y biglang nawala---
sa mga kumuha dati ng Askals 1 at 2...at nabitin...
...ito na ang huling bahagi ng unang tatlo.

Sa katunayan Disyembre pa lang ng 2005 tapos na siya.
hindi lang masyado naasikaso talaga...
wala kaming nilapitan tindahan
para magbenta...ay meron pala, pero may problema
kaya di na rin natuloy, simula nun andyan na lang siya nakatabi...hanggang matakpan ng trabaho.

Tsaka eto pa ang maganda...
kauna-unahan sa kasaysayan ng pilipin komiks
meron itong deleted na pahina (naks parang dvd)
opo...di ko alam kung pa’no nangyari pero nangyari...
‘di lang sadya, di rin gimik...sumpa man...

Nangyari na pero wala namang pagsisisi
di naman masyado nakaapekto sa kwento
maliban lang kung mabilis ang mata nyo
mapapansin mo at hahanapin ito.

Photobucket - Video and Image Hosting

Dugtong nyo na lang kung saan he he he...
obyusli sa maaksiyong parte ito.

Doon nga pala kami sa sa table ng
Mars Ravelo’s Marvelous Characters
sila ay minor sponsor ng Komikon.
Kasama namin si Reno Maniquis ( Maskarado at
nagbigay ng bagong anyo ni Capt. Barbell).
Andun din si Dodo Dayao ang partner ko sa Askals.

Saturday, August 19, 2006

Prebyu!

Sa kasalukuyan ay may pinaglilibangan akong komiks
hindi ito banyaga, ito’y para sa ating mga pinoy, pilipino ang wika.
Hindi ko pa pwede sabihin ang pamagat kasi lihim pa (confidential).

Sa akin lahat ang art, (lapis, tinta at kulay),
Isa lang ang tumbok ng komiks...Pilipino Komiks, Para sa Pilipinas!

Bentahe sa akin ang ganito
kasi sa simula’t simula pa na magkomiks ako
ay pilipino komiks na ang tinitingnan ko.
Kumbaga nakaugat ang paraan ng pagguhit ko sa pilipino komiks.

(Guhit ko ito nung nagsisimula pa lang ako.)
Photobucket - Video and Image Hosting

Ang mga komiks artist na talagang naabutan ko
at kinamulatan, mga third generation na.
Ang sinasabi ko ay sina Mar Santana,
Hal Santiago, Lan Medina, Clem Rivera,
Steve Gan, Cal SobrepeƱa, Noly Zamora
Joey Otacan, Toti Cerda at marami pa.
Sila man ay may mga sinundang “Kultura sa pagguhit”
Yan ay yung mga nauna sa kanila at kilala nyo na marahil
kung sino ang aking tinutukoy.

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Ang mga ganitong estilo ng art ang kumiliti sa akin
upang humanay ako sa mga pilipinong mangguguhit
at maging kaisa nila. Ilan lang sila
sa mga naging inspirasyon ko at maaring
nakaimpluwensiya na rin.


Gayunpaman napahanga rin ako ng ibang lahi
katulad ni Katsuhiro Otomo, Hiroaki Samura,
at Hayao Miyazaki ay ilan lang sa mga hapones artist.
Ang iba pa ay sina Joe Quesada, Andy Kubert,
Joe Madureira, Travis Charest, John Paul Leon
at iba pang mga amerikano at latinong artist.
At masasabi kong kakaiba ang style nila.
Hindi maiaalis na may impluwensiya rin silang dulot sa ‘kin
At dahil sa kanila ayokong mangamba na ang kultura
na aking sinusundan sa pagguhit ay naglalaho na.

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Kaya po ipinost ito gusto ko pong makakuha ng puna.
bagaman isang pahina lang ito.

Kung huhusgahan mo ito... may mababakas pa ba...
o gaano kapinoy ang artstyle na ‘to?
Ano pa ang kulang? o tama lang ba?

Syempre hindi ako kasing husay nina Whilce,
Leinil, Gerry, Anacleto, Carlo Pagulayan.
Sila’y nasa ibang antas. At ibang usapan na yon.

Para sa akin lang kasi na isang tunay na pilipino
Isang mahalagang bagay na mapagpahalagahan
ang pilipinong paraan ng pagguhit ng pilipino komiks.
Ang mga Hapon ay isang magandang halimbawa
na sa bawat estilo ng pagguhit nila mababakas mo
ang kanilang kulturaat sa pananaw ko sa ngayon
yan ang sa atin ay nawawala na.

Masasabi mo bang tunay na pilipino komiks na to?

Maaaring sabihin nating nagbabago ang estilo ng pinoy sa pagguhit,
pero dapat nakaugat pa rin sa Kulturang Pilipino.

Wednesday, August 09, 2006

NO COMMENT!

Langya!!!!

Senya na po sa inyo lahat na dumadalaw sa blog na to!
kung napapansin nyo NO COMMENT ako sa mga comments nyo
yan po ay dahil sa hindi ko nakikita ang mga comments nyo!
ha ha ha langya.... tanga ko...

di po kasi ako mahilig talaga magkalikot ng blog ko
ngayon lang oras na to naisipan kong i-click
ang "moderate comments".... ayun naglabasan at nabasa ko sila
mga comments since nag stop kasi ako mag blog january pa.

hrrrr pag aralan ko nga to...
hindi ko pa kasi lahat nabasa meron pang iba di ko ma-klik.

tulong! pano to???

sorry kay reno, (eto bawi ako sau...exodus, para sau pre)
kay vince ('pre kelan mo ko batuhan ng board),
budj, tobie, gilbert, wylz
at sa iba pang di nabanggit...
salamat sa mga comments/pagdalaw nyo.

Okey maiba naman
Exodus base sa pelikula ni bong revilla,
si reno ang main man at ako ang support
ibig sabihin akin ang background at coloring,
at sa kanya ang main art.


Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Ito ay colaboration namin ni reno
na walang kinahinatnan...
ito ay halos tatlo lang sa sampung pahinang nai-guhit ni reno
at ako may pitong pahina nalagayn ng b.g. at nakulayan...
at isang print ad...he he eh pero okey lang
isama na lang natin sa karanasan.

ika nga sa pamagat: NO COMMENT!

Saturday, August 05, 2006

Elmer at Piyok

Photobucket - Video and Image Hosting

Kay Elmer naalala ko si Piyok.
katulad ni Elmer siya ay isang manok rin
na binigyang buhay din sa komiks(pilipino)
noong kung hindi ako nagkakamali ay
early 80's.

Hindi ko naman talaga nasubaybayan
ang kwento nito pero naaalala ko
na si Piyok ay isang panabong na manok
at piki ang paa (knock-kneeded).

Si Mar Santana yata ang gumuhit
(di ako sure) at hindi ko na maalala
kong sino sumulat.

di ko siya malimutan kasi sa eskwelahan
madalas ko siya i-vandal. he he he

isang araw sana makapagsend ako
kay gerry ng version ko ng Elmer.

o ng Piyok.

Gaiman pa man...

Paumanhin po kung sa mga nakaraang araw/buwan
ay wala kayong makitang bago dito.
Sadyang ganyan lang talaga ako.
May mga panahon na ayaw ko lang talagang magparamdam.
Sabihin na nating mas inuuna ko’ng pakainin
ang aking pamilya at paliguan ang aking aso.
Kailangan eh...priority kumbaga.

Gaiman pa man...nagpaparamdam akong muli,
ito’y sapalagay ko’y dahil sa mga taong
hindi mapalagay na sa tingin ko’y dapat mapalagay.
(he he eh malabo yata? ...palagay nyo?)

At ito nga po yon....

May nakarang paligsahan akong sinalihan...
ah.. actually kaming sinalihan kasam si Dodo ang writer
ito’y naging isang magandang karanasan para sa akin.
Sa isang katulad kong pilipino,
ang makilahok sa ganitong klaseng patimpalak
ay nakapagbibigay ng kakaibang kasiyahan,

Ang paligsahan ay tungkol
sa pagalingan sa paggawa ng kwento
at paglikha ng komiks sa paraang pilipino.
Pwedeng sumali kahit sino,
oo kahit amerikano... basta pilpino.
amateur man o prupisyonal. babae o lalaki.
Ito ay kauna-unahan sa pilipinas
sa pamamagitan ng Fully booked at ni Niel Gaiman
(isang tanyag na nobelista sa buong mundo).
ang paligsahan ay pinamagatang:

THE FIRST PHILIPPINE GRAPHIC/ FICTION AWARDS
BY NEIL GAIMAN & FULLY BOOKED:

Sa simula pa man ang layunin ko na sa pagsali
ay pansariling katuparan lamang...
maka-entry lang ba, okey na... masaya na.
Sasabihin ko na hindi naman masyado minadali
ang pagkaguhit kumbaga ay tama lang
na hindi naman na kahiya-hiya..
Ngunit syempre sa bandang huli katulad ng iba
ay isa na rin ako sa mga umaasaat nagbabakasakali
na sana mapasama o kahit mapansin man lang syempre
tao lang naghahangad din.

At ayan na nga, dumating ang sandaling hinihintay
ang kinalabasan ay hindi ayon sa aking iniisip
gayon din sa iba... marami ang nagpuna
marami ang nagtanong ...Bakit ganon?
Maging ako manay bahagyang napaisip

Ngunit naisip ko sadyang ganon talaga.
Sadya lang talaga na may kanya-kanya opinyon
ang bawat isa may maganda sa akin
at hindi naman para sa kanila
Ganon din sa mga hurado, haluan pa natin ng
kung anu-anong controbersiya, at kung anu-ano pa
ang bawat isa ay may sariling panlasa.
Sadyang ganon talaga ang contest, dapat nakahanda ka.
Handa kang manalo, lalong handa kang matalo.

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Ngunit ako alam ko ako panalo... bakit kamo?
alam ko na panalo ako kasi
na-enjoy ko ang pagguhit sa bawat sandali
at ang karanasan ay siguradong mamalagi..
pero ang higit sa lahat binigay ko
ang sa tingin ko ay pinakamatind, ang panlasang pinoy.

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Hindi na mahalaga kung napansin nila
para sa akin ang pansariling kasiyahan
ay aking napahalagahan.
(Dodo, hindi ka maniniwala pero ang mga awit ni
Diomedes Maturan ay paulit ulit kung pinapakinggan...
he he he... wagi talaga!)

Gaiman pa man..
ito naman ay para sa akin at opinyon ko lamang.

Sunday, April 02, 2006

Mars Ravelo shirts

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

Mars Ravelo shirts. Available na po at all BRANDED stores (kiosks). sa SM malls siya makikita, meron sa Megamall at sa SM Southmall. SA Megamall branch ay nasa third floor, Bldg. A, near the cinemas. Ang Captain Barbell shirts ay disenyo/guhit ni Reno Maniquis.
Lastikman and Darna ay disenyo/guhit ni: mangguhit.

Saturday, February 11, 2006

Darna!

Design para sa T-shirt
pero di yata natuloy
Post ko na lang dito
matagal-tagal na rin di nagagalaw
inaagiw na! he he he....
pasensiya na po dami trabaho!


Image hosting by Photobucket