Friday, October 27, 2006

SALAMAT...

....sa mga nagpakana, bumuo at nakilahok sa Komikon 2006.
Katulad nung nakaraang taon, wagi na naman tayong
mga tagalikha ng komiks, maganda ang naging kinalabasan.
At sana sa mga susunod pang mga taon ang industriya
ay umakyat sa mas mataas na antas pa.

...sa mga bumili nito...
Photobucket - Video and Image Hosting

...at nito




Marvelous Komiks prebyu, silipin ang art ng Dyesebel na guhit ni ng bagong saltang si Cheyenne Quitana

...at sa mga bumili ng Askals 1-3, at Flash Bomba


...at sa mga gusto pang magkaroon may mangilan-ngilan na lang natitirang kopya.


...sa mga tumangkilik at nakapansin...

Gerry A.
neva
Randy Valiente
Marc Dimaano
Budj
Xerx Javier
john becaro
mar macalindog
at sa mga iba pang bumili na di ko masyado pa kilala...

kay prof. cezar hernando, (sir di kita agad namukhaan dito na ko sa bahay ng mapagtanto ko na ikaw nga yun prof ko sa production design).

kay Daniel Sysing artist ng Flash Bomba. (Daniel ba o David? ha Reno?)

...sa mga nagpa sketch...sensiya na di masyado sanay eh..

at dun sa first na nag pasketch sa kin at humingi ng tips
sa pagdrawing, sorry di ko malala ang name mo,
di bale sa muling pagkikita di ko na malilimutan yan.

...kay nikki and friends sa UP CFA

kay Direk Louie Reyes
kay Doc.Prof. FAfa Boyet CaawaY
at sa Malikhaing Direktor na si Alex Gener (bagaman di naka rating dahil nagsilang ng sanggol ang kanyang asawa sa mismong kaarawan ng komikon).

....sa asawa ko na karamay sa pag tupi at pagstaple
ng mga komiks na Askals at Noisy Blood.
....kay Kwin, anak ko... at tagalista ng benta ng komiks.

at sa mga nakalimutan ko pa...
‘sensiya na.

at nga pala... sa mga nakapansin sa deleted na page ng askals3,
may pabuyang naghihintay sa inyo, he he he...
(biro- biro lang!)

MARAMING SALAMT SA INYO LAHAT! Balik tayo next Komikon!
Mabuhay ang Komiks natin!... Mabuhay!
Mabuhay ang patay! Mabu... 'wag....patay tayo jan.


ay oo nga pala bili kayo ng Filipino komiks... dyan art ni Rico Rival, Rodel Noora, Dante Barreno, atpb., sa mga nami-miss ang tradisyunal na pilipino komiks ito na yon...

at sa mga tropa ni budj dyan sa harrison...
mga nakadaupang palad si Ian Sta. Maria at Ka-jo Baldisimo (tindi ng mga kamay nito... tsk.. tsk..)
kahit naubusan ako ng trese 5 at 6...
At gumawa nga rin pala ako ng pin up para sa trese... hehehe Budj asan libre ko :)
bumili rin ako ng Elmer ni Gerry, Tropa ni Gilbert, Diyosa Hubadera ni Randy V.
at Kadiliman prebyu ni Ed Tadeo....nakakaaliw rin yung Kapitan barangay Captain. Pag patuloy lang natin to at sa mga hindi ko pa nabilhan neks tym naman...:)

Thursday, October 12, 2006

Askals 3

Image hosted by Photobucket.com


Matutunghayan sa Komikon sa UP bahay ng Alumni
ngayong ika-21 ng Oktubre ang Askals 3 (isa lang ito
sa mga ibebenta namin, iaanunsiyo ko na lang
sa ibang araw yung iba pa).
Pagpasensiyan nyo kami dahil kami’y biglang nawala---
sa mga kumuha dati ng Askals 1 at 2...at nabitin...
...ito na ang huling bahagi ng unang tatlo.

Sa katunayan Disyembre pa lang ng 2005 tapos na siya.
hindi lang masyado naasikaso talaga...
wala kaming nilapitan tindahan
para magbenta...ay meron pala, pero may problema
kaya di na rin natuloy, simula nun andyan na lang siya nakatabi...hanggang matakpan ng trabaho.

Tsaka eto pa ang maganda...
kauna-unahan sa kasaysayan ng pilipin komiks
meron itong deleted na pahina (naks parang dvd)
opo...di ko alam kung pa’no nangyari pero nangyari...
‘di lang sadya, di rin gimik...sumpa man...

Nangyari na pero wala namang pagsisisi
di naman masyado nakaapekto sa kwento
maliban lang kung mabilis ang mata nyo
mapapansin mo at hahanapin ito.

Photobucket - Video and Image Hosting

Dugtong nyo na lang kung saan he he he...
obyusli sa maaksiyong parte ito.

Doon nga pala kami sa sa table ng
Mars Ravelo’s Marvelous Characters
sila ay minor sponsor ng Komikon.
Kasama namin si Reno Maniquis ( Maskarado at
nagbigay ng bagong anyo ni Capt. Barbell).
Andun din si Dodo Dayao ang partner ko sa Askals.