Thursday, September 22, 2005

Unang Karanasan

Ito ang una kong komiks na nalatahala
Ginawa ko ito nung mga panahon
na ang komiks ng pilipinas ay unti-unti ng nawawala.
Basta namalayan ko na lang ang aking sarili sa harap ng gate ng Atlas publication. Wala nagrekomenda sa akin dun, wala akong taong personal na kakilala dun, ipinagtanong ko lang sa drayber ng dyip ang address sa komiks na nabili ko sa isang newstand.

"Sino pupuntahan mo?"
" May dala ka ba'ng sampol?" naalala ko tanong ng guwardya sa akin.
"Patingin. Kaya mo ba magdrowing ng tao na nakaharap? nakatagilid? nakatalikod? pero magkakamukaha?Iba-ibang anggulo?" hindi ko sinagot, pinakita ko na lang ang drowing kong isang page lang he he he...nung makita ay pinapasok naman ako. Kasalukuyang nag-aaral ako ng fine arts ng mga panahong yun.

Dun ako pinapasok sa isang tanggapan ng Punong Editor, medyo may edad na, siguro 58 o 60 na. " Kulang pa kulang pa... Nang makita ang drowing ko. Magdrowing ka pa...magdrowing ka araw araw kung gusto mo talagang magkomiks."
Pinahingi ako ng sample script sa isa sa mga editor dun para daw pagpraktisan ko.
"Pagandahin mo mabuti yan ha? kung kailangan mo mangopya sige ayos lang. basta maganda." sabi pa nung editor.
Ganun pala mag-apply na komiks illustrator sa isip-isip ko.

Nung sunod na balik ko para ipakita ung sampol na ginawa ko okey naman daw,
baka pwede na...wag lang daw masyado madaliin... kaya yun binigyan na ako ng script.
At ito nga yun. Ang unang komiks na guhit ni: mangguhit.
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

5 comments:

Alexis said...

Ayy! ang laswa! Hehe

mangguhit said...

Nung panahon yun pre ang mga babasahin ay may kahalong kalaswahan...(buti ang naibigay sa kin di masyado)
yun yata ang naisip nilang paraan pra bilhin ng masa...kaya yan tuloy dumami ang rapist...

Reno said...

Malaswa ang drowing mo! Sumisilip ang maselang bahagi nung babae... =P

mangguhit said...

nasa script eh.. he he he.

mangguhit said...

Wala namang kitang GUHIT ah...=)