Nahalungkat ko lang sa email ko,
hindi ko naging habit ang mag-ipon
at mag archive ng mga past projects
burara kasi ako hehehehe
Pero salamat at may email.
Attatchment. Sent items.
Yon! nadale mo Bong!
Sa totoo lang ang hirap nito i-search...
milyon kaya ang attachment ko dun
at 3 email address ang ginagamit ko,
di ko alam pano ko nakita nagkataon lang...
Alam ko meron akong CD nito pero nasa pinas
at hahalukayin pa sa mga naiwang gamit namin doon.
Eto ay commissioned illustrations
para sa print ad series ng Lipton Tea.
Nakakachallenge syang gawin actually,
ang execution ay comics, marvel style.
Hirap ako sa paggaya hehehe
pero pinagtiwalaan nila ako
ayaw ko ring mapahiya..
kahit papano nagawa ko
hindi man ako masyado masaya... okey lang...
Actually marami kaming pinagpilian,
ako lamang ang pinalad hehehe
better luck next time na lang mga bro!
...mas kailangan ko
tatlo ang anak ko hahahaha!
Akin ang illustration and lay-out
sama ang ink and colors
Hindi ko na nakita ang printed materials.
Unang Ad ng series:
ang style ay Jim Lee
nung pinag-aaralan ko ang artstyle nya,
parang madali lang...
pero mahirap pala.
Ad no.2:
Artstyle Chris Bachalo
HAHAHA di ko alam kung Bachalo nga ba ito...
pero okey naman sa kanila,
di naman sila masyado strict sa panggaya
at okey naman, kaya Pachado na rin!
Ad no.3:
Artstyle Scott Campbell
Lalo nman to...
parang hindi ata...
di ko mahanap ung colored eh
baka nadaan ko sila sa kulay... nyehehehe...(palusot)
sila nman ang naghusga, malapit na rin daw!
Ad no.4:
Artstyle Travis Charest
mmmm...mejo-mejo...
baka... pwede...
sa isang ito...
okey na siguro, masaya na ako!
Eto naman Anime o Manga ang Artstyle
para sa Game card ng MILO
in-sync dun sa existing TVC nung time na un,
di ko na nasundan kung hanggang ngayon anime pa rin
ang kampanya nila, di ko na rin ito nakitang printed.
Eto naman ibang artstyle din
ginamit sa Christmas segment something ng Qtv11
para maka survive sa mundo ng
commercial advertising,
mas maraming alam na artstyle
at mas versatile sa panggagaya
ang katumbas maraming projects.
Mas magaling Manggya,
mas maraming Puto maya
parang si Arnel Pineda!
HAHAHAHAHA
..wala lang!
HAHAHAHAHA
:)
No comments:
Post a Comment