Saturday, July 26, 2008

Gaya-gaya puto maya

Nahalungkat ko lang sa email ko,
hindi ko naging habit ang mag-ipon
at mag archive ng mga past projects
burara kasi ako hehehehe

Pero salamat at may email.
Attatchment. Sent items.
Yon! nadale mo Bong!

Sa totoo lang ang hirap nito i-search...
milyon kaya ang attachment ko dun
at 3 email address ang ginagamit ko,
di ko alam pano ko nakita nagkataon lang...

Alam ko meron akong CD nito pero nasa pinas
at hahalukayin pa sa mga naiwang gamit namin doon.

Eto ay commissioned illustrations
para sa print ad series ng Lipton Tea.

Nakakachallenge syang gawin actually,
ang execution ay comics, marvel style.

Hirap ako sa paggaya hehehe
pero pinagtiwalaan nila ako
ayaw ko ring mapahiya..
kahit papano nagawa ko
hindi man ako masyado masaya... okey lang...

Actually marami kaming pinagpilian,
ako lamang ang pinalad hehehe
better luck next time na lang mga bro!
...mas kailangan ko
tatlo ang anak ko hahahaha!

Akin ang illustration and lay-out
sama ang ink and colors
Hindi ko na nakita ang printed materials.

Unang Ad ng series:
ang style ay Jim Lee

nung pinag-aaralan ko ang artstyle nya,
parang madali lang...
pero mahirap pala.

Photobucket

Ad no.2:
Artstyle Chris Bachalo

HAHAHA di ko alam kung Bachalo nga ba ito...
pero okey naman sa kanila,
di naman sila masyado strict sa panggaya
at okey naman, kaya Pachado na rin!

Photobucket


Ad no.3:
Artstyle Scott Campbell
Lalo nman to...
parang hindi ata...
di ko mahanap ung colored eh
baka nadaan ko sila sa kulay... nyehehehe...(palusot)
sila nman ang naghusga, malapit na rin daw!

Photobucket

Ad no.4:
Artstyle Travis Charest
mmmm...mejo-mejo...
baka... pwede...
sa isang ito...
okey na siguro, masaya na ako!

Photobucket



Eto naman Anime o Manga ang Artstyle
para sa Game card ng MILO
in-sync dun sa existing TVC nung time na un,
di ko na nasundan kung hanggang ngayon anime pa rin
ang kampanya nila, di ko na rin ito nakitang printed.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Eto naman ibang artstyle din
ginamit sa Christmas segment something ng Qtv11

Photobucket

Photobucket

para maka survive sa mundo ng
commercial advertising,
mas maraming alam na artstyle
at mas versatile sa panggagaya
ang katumbas maraming projects.

Mas magaling Manggya,
mas maraming Puto maya
parang si Arnel Pineda!
HAHAHAHAHA
..wala lang!
HAHAHAHAHA
:)

Saturday, July 05, 2008

Lakas ng Loob!

3:56 am.

Madaling araw na.
PUYAT na naman.
halos isang linggo nang sunod-SUNOD.

Gusto ko na sanang MATULOG...
busog pa eh,
dapat 2 oras pagkatapos kumain
(2:45am na ko kumain)
para daw nde lumaki ang tyan
at 'di maging ACIDIC...

kakauwi lang galing work, LHM,
... gumagawa ng patalastas.
INIUWI ko pa ang ibang trabaho,
internals namin sa MONDAY.
Hay naku,
...
...sa tuesday pa ang presentation.
Yung AMO kong intsik, sobrang ATAT makita
ang materyales...
dito ko na lang tapusin sa BAHAY,
pasok na lang ng maaga sa Monday para maprint.

MAG-ISA na ako kanina doon sa opis eh..
nauna na silang UMUWI kasi BUKAS(weekend)
...papasok SILA.
kanina natakot ako... sobrang tahimik
... nabingi ako,
...may naramdaman ako...
...sabihin ko pa ba?

Sobrang konsentreyt ko sa work,
nalimutan kung i-PLAY itunes ko...
..naka pause sa "Hindi Magbabago"
ni Randy Santiago.

...parang may kakaiba kanina...
hehehe 'langya!
Naalala ko si GILBERT tuloy,
teammate ko sa basketbol dito.
madalas manakot si Gilbert,
Dati nung wala pa pamilya ko dito sa SG
tumatambay kami sa bahay na nirerent din
nung isa naming teammate si Arbi.
(kaibigan ko na ngayon)
dun kami natutulog minsan.

Si Gilbert pag gabi na...
...at naglalakad kami sa MADILIM na kalsada,
biglang magpapanic SISIGAW ng malakas!
Sabay takbo... takot na TAKOT.
Ganun sya manakot... parang totoong totoo.

Kwento nya sa amin...
dun sa HDB flat na tinitirahan nya...
hindi ko maalala kung pang-ilang floor sila
wala pa raw 1year bago sila lumipat...
may NAGPAKAMATAY!
Tumalon sa bintana.

"Lakas naman ng loob mo" sabi namin sa kanya.
"PATAY na yon" sabi nya.
Mura nila ni-RENT ung buong Flat!
3bedrooms na.
Dun MISMO sa kwartong yon sya ang nag OCCUPY

Sandali...
kumutan ko lang mga anghel ko,
nilalamig eh.. hinaan ko na rin konti ang aircon.
syempre tulog na sila pagdating ko kanina.
Mga pang alis ng pagod ko.




Si Gilbert Angeles yung no. 27
Forward ang laro nya malaks sya mag REBOUND,
at matigas ang katawan sa DEPENSA.
Isa sya sa mga GUSTO kong kalaro.

July 01 2007.
08:57am Tuesday.
kasalukuyan akong papasok ng opis
LHM Advertising...
kumanta si Israel Kamakawiwo'ole...
"Somewhere Over The Raindow"
...ringtone ng handphone ko.
Si ARBI nag text!
ang MENSAHE:

"Mga kaibigan iniwan na tau ni Gilbert Angeles.
Natagpuan cyang PATAY sa rum nya kahapon ng umaga.
Hougang ave 7, nagbigti cya dala ng problema.
pagdasal natin kaluluwa nya.
Asa morgue ng Singapore
Gen Hospital ang katawan nya.
Dadalhin baka sa isang araw sa pinas."