Friday, September 05, 2008

Guhit ng Buhay

Meron kayang komiks na walang SCRIPT?

kwentong ... walang plot at plano.

walang twist twist...

kung ano lang ang MAISIP...

yun na!

wala ng malalim na isip-isip pa.

Walang piniling mga eksenang pampadrama

at pampaaction ng kwento.

totoong buhay.

lahat kasama.

pati pagtae

boring ba? haha..


Komiks, drowing at konting salita...

Eto yung... nararamdaman ko lang,

pag i-exist sa mundong ginagalawan...

sariling pananaw, paniniwala at salita.

hindi mo damdamin, hindi nya isipan.

kundi sa iba.

Sa akin.



Walang ginagayang kwento o kinukopyahan

sariling karanasan...

pangaraw-araw na kaganapan...

sa kasalukuyang time frame

oo parang talambuhay...

di ako sigurado kung handa ako...

pwede ko naman itigil anytime eh.


Maaring walang kabuluhan para sa 'yo

silip lang sa frame(bintana ng mundo ko)

at konting guhit (drowing) ko.


Tingnan naten kung meron nga bang

ORIGINAL na kwento at guhit ng buhay.

hindi imbento... wala ngang script eh.

Ipakita ang paligid nyang ginagalawan...

mga kapwang taong nakapaligid...

mga bagay, may buhay at wala...

lahat kasama walang tinatanggal?

masama at mabuting aral ng buhay

lahat nakabase lang sa pang-araw araw

na nakikita nadarama at nararanasan

o baka pwede ring isama ang nakaraan,

karanasan, mga lumipas ba?

pwede.

o pwede rin sigurong

mga pangyayaring mangyayari pa lamang.

kunyari pampalalim... pampalabok..

o kababawan lang...

katatawahan at iyakan.

paniniwala, career at pamilya.



Libre naman eto eh...

tingnan naten...subok lang...

isang komiks ng pahapyaw na sandali

at silip sa frame at bintana ng aking mundo.

ito'y pamamagatan kong...




Ako Sa Kasalakuyan!




Wednesday, September 03, 2008

at guhit...



"One Night with my Wife" ang title.

hehehe

4 mins sketch,

pen on paper + photoshop

galit ako sa lapis ngaun...

nagsasanay ako ng all the way pen sketching.

dami pa next...

walang katapusan...

nde pa na scan lahat eh...

Tuesday, August 26, 2008

guhits pa...

people of Singapore... 

sa hawker, sa bus stop at loob ng bus.

sketching on my way home.



si Kasius, bunso ko...

tulog na pagdating ko... 

ganado pa rin mag sketch..

pen on paper + photoshop

hindi na linapis.

oo diretso... sinasanay ko.. hehehe 



sa bus pa rin,

kinabukasan ...




sa bus ulit pauwi

gabi na...







eto dati pa...

2007 pa napasama lang...

kaya walang kinalaman hahaha

ex colleague,

si Liza (chinese) AE sa office...

naging talent ko sa print ad at ang mother nya.

during photoshoot eto.

pencil on paper... then in-ink + photoshop.


Tuesday, August 19, 2008

Monday, August 04, 2008

Guhits

Mga sketches ko dati

nung naiinip ako dito sa SG

eto ang isa sa mga naging libangan ko.

sketch ng mga kaibigan...














sketch sa loob ng bus...











sa photo shoot...






...sa bus stop 







rivervale drive HDB...



park...




trees at pasir ris...






uncle... security guard



ex-colleague... jessica...





the classic OFW chick boy...



pinay saleslady sa Lucky Plaza...




... colleague
Wai Yin.


Yvonne



Choi Yin





Fred



sa kwarto ko...





at maraming-marami pa next time...


Saturday, July 26, 2008

Gaya-gaya puto maya

Nahalungkat ko lang sa email ko,
hindi ko naging habit ang mag-ipon
at mag archive ng mga past projects
burara kasi ako hehehehe

Pero salamat at may email.
Attatchment. Sent items.
Yon! nadale mo Bong!

Sa totoo lang ang hirap nito i-search...
milyon kaya ang attachment ko dun
at 3 email address ang ginagamit ko,
di ko alam pano ko nakita nagkataon lang...

Alam ko meron akong CD nito pero nasa pinas
at hahalukayin pa sa mga naiwang gamit namin doon.

Eto ay commissioned illustrations
para sa print ad series ng Lipton Tea.

Nakakachallenge syang gawin actually,
ang execution ay comics, marvel style.

Hirap ako sa paggaya hehehe
pero pinagtiwalaan nila ako
ayaw ko ring mapahiya..
kahit papano nagawa ko
hindi man ako masyado masaya... okey lang...

Actually marami kaming pinagpilian,
ako lamang ang pinalad hehehe
better luck next time na lang mga bro!
...mas kailangan ko
tatlo ang anak ko hahahaha!

Akin ang illustration and lay-out
sama ang ink and colors
Hindi ko na nakita ang printed materials.

Unang Ad ng series:
ang style ay Jim Lee

nung pinag-aaralan ko ang artstyle nya,
parang madali lang...
pero mahirap pala.

Photobucket

Ad no.2:
Artstyle Chris Bachalo

HAHAHA di ko alam kung Bachalo nga ba ito...
pero okey naman sa kanila,
di naman sila masyado strict sa panggaya
at okey naman, kaya Pachado na rin!

Photobucket


Ad no.3:
Artstyle Scott Campbell
Lalo nman to...
parang hindi ata...
di ko mahanap ung colored eh
baka nadaan ko sila sa kulay... nyehehehe...(palusot)
sila nman ang naghusga, malapit na rin daw!

Photobucket

Ad no.4:
Artstyle Travis Charest
mmmm...mejo-mejo...
baka... pwede...
sa isang ito...
okey na siguro, masaya na ako!

Photobucket



Eto naman Anime o Manga ang Artstyle
para sa Game card ng MILO
in-sync dun sa existing TVC nung time na un,
di ko na nasundan kung hanggang ngayon anime pa rin
ang kampanya nila, di ko na rin ito nakitang printed.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Eto naman ibang artstyle din
ginamit sa Christmas segment something ng Qtv11

Photobucket

Photobucket

para maka survive sa mundo ng
commercial advertising,
mas maraming alam na artstyle
at mas versatile sa panggagaya
ang katumbas maraming projects.

Mas magaling Manggya,
mas maraming Puto maya
parang si Arnel Pineda!
HAHAHAHAHA
..wala lang!
HAHAHAHAHA
:)