Friday, September 05, 2008

Guhit ng Buhay

Meron kayang komiks na walang SCRIPT?

kwentong ... walang plot at plano.

walang twist twist...

kung ano lang ang MAISIP...

yun na!

wala ng malalim na isip-isip pa.

Walang piniling mga eksenang pampadrama

at pampaaction ng kwento.

totoong buhay.

lahat kasama.

pati pagtae

boring ba? haha..


Komiks, drowing at konting salita...

Eto yung... nararamdaman ko lang,

pag i-exist sa mundong ginagalawan...

sariling pananaw, paniniwala at salita.

hindi mo damdamin, hindi nya isipan.

kundi sa iba.

Sa akin.



Walang ginagayang kwento o kinukopyahan

sariling karanasan...

pangaraw-araw na kaganapan...

sa kasalukuyang time frame

oo parang talambuhay...

di ako sigurado kung handa ako...

pwede ko naman itigil anytime eh.


Maaring walang kabuluhan para sa 'yo

silip lang sa frame(bintana ng mundo ko)

at konting guhit (drowing) ko.


Tingnan naten kung meron nga bang

ORIGINAL na kwento at guhit ng buhay.

hindi imbento... wala ngang script eh.

Ipakita ang paligid nyang ginagalawan...

mga kapwang taong nakapaligid...

mga bagay, may buhay at wala...

lahat kasama walang tinatanggal?

masama at mabuting aral ng buhay

lahat nakabase lang sa pang-araw araw

na nakikita nadarama at nararanasan

o baka pwede ring isama ang nakaraan,

karanasan, mga lumipas ba?

pwede.

o pwede rin sigurong

mga pangyayaring mangyayari pa lamang.

kunyari pampalalim... pampalabok..

o kababawan lang...

katatawahan at iyakan.

paniniwala, career at pamilya.



Libre naman eto eh...

tingnan naten...subok lang...

isang komiks ng pahapyaw na sandali

at silip sa frame at bintana ng aking mundo.

ito'y pamamagatan kong...




Ako Sa Kasalakuyan!




3 comments:

dodo dayao said...

Tuloy mo to Bong. Ganda!

Reno said...

Iyang komiks na walang script, pagkakaalam ko ganyan minsan ang mga xhort stories ni Moebius. Walang plano. Guguhit lang isya at kung saan mapunta ang kuwento, yun na yun!

dodo dayao said...

Tama Bong. Napaka-organic. Parang artfilm ng comics. Hehe. Ayos yan!