Paumanhin po kung sa mga nakaraang araw/buwan
ay wala kayong makitang bago dito.
Sadyang ganyan lang talaga ako.
May mga panahon na ayaw ko lang talagang magparamdam.
Sabihin na nating mas inuuna ko’ng pakainin
ang aking pamilya at paliguan ang aking aso.
Kailangan eh...priority kumbaga.
Gaiman pa man...nagpaparamdam akong muli,
ito’y sapalagay ko’y dahil sa mga taong
hindi mapalagay na sa tingin ko’y dapat mapalagay.
(he he eh malabo yata? ...palagay nyo?)
At ito nga po yon....
May nakarang paligsahan akong sinalihan...
ah.. actually kaming sinalihan kasam si Dodo ang writer
ito’y naging isang magandang karanasan para sa akin.
Sa isang katulad kong pilipino,
ang makilahok sa ganitong klaseng patimpalak
ay nakapagbibigay ng kakaibang kasiyahan,
Ang paligsahan ay tungkol
sa pagalingan sa paggawa ng kwento
at paglikha ng komiks sa paraang pilipino.
Pwedeng sumali kahit sino,
oo kahit amerikano... basta pilpino.
amateur man o prupisyonal. babae o lalaki.
Ito ay kauna-unahan sa pilipinas
sa pamamagitan ng Fully booked at ni Niel Gaiman
(isang tanyag na nobelista sa buong mundo).
ang paligsahan ay pinamagatang:
THE FIRST PHILIPPINE GRAPHIC/ FICTION AWARDS
BY NEIL GAIMAN & FULLY BOOKED:
Sa simula pa man ang layunin ko na sa pagsali
ay pansariling katuparan lamang...
maka-entry lang ba, okey na... masaya na.
Sasabihin ko na hindi naman masyado minadali
ang pagkaguhit kumbaga ay tama lang
na hindi naman na kahiya-hiya..
Ngunit syempre sa bandang huli katulad ng iba
ay isa na rin ako sa mga umaasaat nagbabakasakali
na sana mapasama o kahit mapansin man lang syempre
tao lang naghahangad din.
At ayan na nga, dumating ang sandaling hinihintay
ang kinalabasan ay hindi ayon sa aking iniisip
gayon din sa iba... marami ang nagpuna
marami ang nagtanong ...Bakit ganon?
Maging ako manay bahagyang napaisip
Ngunit naisip ko sadyang ganon talaga.
Sadya lang talaga na may kanya-kanya opinyon
ang bawat isa may maganda sa akin
at hindi naman para sa kanila
Ganon din sa mga hurado, haluan pa natin ng
kung anu-anong controbersiya, at kung anu-ano pa
ang bawat isa ay may sariling panlasa.
Sadyang ganon talaga ang contest, dapat nakahanda ka.
Handa kang manalo, lalong handa kang matalo.
Ngunit ako alam ko ako panalo... bakit kamo?
alam ko na panalo ako kasi
na-enjoy ko ang pagguhit sa bawat sandali
at ang karanasan ay siguradong mamalagi..
pero ang higit sa lahat binigay ko
ang sa tingin ko ay pinakamatind, ang panlasang pinoy.
Hindi na mahalaga kung napansin nila
para sa akin ang pansariling kasiyahan
ay aking napahalagahan.
(Dodo, hindi ka maniniwala pero ang mga awit ni
Diomedes Maturan ay paulit ulit kung pinapakinggan...
he he he... wagi talaga!)
Gaiman pa man..
ito naman ay para sa akin at opinyon ko lamang.
7 comments:
Uy Bong!
Email mo naman ako ng malaking jpeg nito! Lagay natin sa Tabloid Komiks!
Uy Bong!
Email mo naman ako ng malaking jpeg nito! Lagay natin sa Tabloid Komiks!
Pare, ganyan talaga, pana panhon lang..wag ka lang tumigil sa ginagawa mo o susuko ka, lahat ng bagay ay may panalo at talo.Pero astig gawa mo..ngayon lang ako nagcomment d2 kasi medyo di mo na aa update masyado pero nice meeting you in person! Tuloy mo pare! Sayang yong gawa nyo ni Reno...tsktsktsk..magandang maganda sana..Gus2 ko ang innovation ng Exodus sa Pinoy Film...maganda na kahit papaano at pwede na iyabang sa ibang bansa...:)
Pare, ganyan talaga, pana panhon lang..wag ka lang tumigil sa ginagawa mo o susuko ka, lahat ng bagay ay may panalo at talo.Pero astig gawa mo..ngayon lang ako nagcomment d2 kasi medyo di mo na aa update masyado pero nice meeting you in person! Tuloy mo pare! Sayang yong gawa nyo ni Reno...tsktsktsk..magandang maganda sana..Gus2 ko ang innovation ng Exodus sa Pinoy Film...maganda na kahit papaano at pwede na iyabang sa ibang bansa...:)
uyy! john salamat.
oo nga eh di lang natuloy ganda sanang paglibangan din ang exodus tsaka sa style ni reno... pinoy na pinoy!
Ganda naman nito! This one's much, much better than the winning entry. Ano ba iyon? Pambata!
Don't bother joining next time. Give fully Booked a dose of their own medicine. As if they were just making artists like you, who is so good, only to be treated like excrement. Yung winning entry pa, eh, copycat ng drawings ni Lynda Barry.
Basta, para sa akjin, isa ka sa karapat-dapat na naging winner.
And this is not an attempt to pull your chain. I really mean it.
uy salamat!
no comment :)
...baka maputulan ng kamay.
ang komiks kasi 50% art 50% story.
Post a Comment