Thursday, September 29, 2005

Pagnasaan nyo!

IPINAKIKILALAHHH....(mala boses ng trailer ng pelikulang pinoy) ang walang kahalupilip na alindoghhh...ahhh
...KAAKIT-AKITHHHH... at nagtataglay ng...biyayang natatangi lamang sa kanyahhhh...marami ng karanasanang sa mga GUHIT...
... pahigahhh...patayohhh...patagilidhh...paupo at iba't ibang klase't
posisyon ng guhithhh...
tunghayan....walang kakupas-kupas...
na mga guhit ni: mangguhithhhh... MALAPIT NA!

 


Ip it is prom mangguhit....It mas be Gu(d)hit!

Friday, September 23, 2005

Patalastas!

Ako'y napunta sa trabahong (pagawa ng patalastas)
na noong una ay hindi ko masyado gusto.
Bantulot man ako... ngunit talagang kailangan...
Kailangan kung magtrabaho at magsimula
para sa kinabukasan...

Ang naghihingalong industriya ng komiks ay tuluyang lumabo na.
Sa aking paghahangad na makagawa ng isa
(na umaasa balang araw maiskatuparan)
minsan ay nailalapat ko sa ibang midyum
ang aking hangarin...
at ganito nga ang nagiging bunga...
...basahin... o.... panoorin nyo he he he...
isang patalastas lang po...
...na guhit ni: mangguhit.
Image hosted by Photobucket.com
...at si Dodo rin nga pala (na isa ring laking komiks) ang ka tambal ko dyan.

Thursday, September 22, 2005

Unang Karanasan

Ito ang una kong komiks na nalatahala
Ginawa ko ito nung mga panahon
na ang komiks ng pilipinas ay unti-unti ng nawawala.
Basta namalayan ko na lang ang aking sarili sa harap ng gate ng Atlas publication. Wala nagrekomenda sa akin dun, wala akong taong personal na kakilala dun, ipinagtanong ko lang sa drayber ng dyip ang address sa komiks na nabili ko sa isang newstand.

"Sino pupuntahan mo?"
" May dala ka ba'ng sampol?" naalala ko tanong ng guwardya sa akin.
"Patingin. Kaya mo ba magdrowing ng tao na nakaharap? nakatagilid? nakatalikod? pero magkakamukaha?Iba-ibang anggulo?" hindi ko sinagot, pinakita ko na lang ang drowing kong isang page lang he he he...nung makita ay pinapasok naman ako. Kasalukuyang nag-aaral ako ng fine arts ng mga panahong yun.

Dun ako pinapasok sa isang tanggapan ng Punong Editor, medyo may edad na, siguro 58 o 60 na. " Kulang pa kulang pa... Nang makita ang drowing ko. Magdrowing ka pa...magdrowing ka araw araw kung gusto mo talagang magkomiks."
Pinahingi ako ng sample script sa isa sa mga editor dun para daw pagpraktisan ko.
"Pagandahin mo mabuti yan ha? kung kailangan mo mangopya sige ayos lang. basta maganda." sabi pa nung editor.
Ganun pala mag-apply na komiks illustrator sa isip-isip ko.

Nung sunod na balik ko para ipakita ung sampol na ginawa ko okey naman daw,
baka pwede na...wag lang daw masyado madaliin... kaya yun binigyan na ako ng script.
At ito nga yun. Ang unang komiks na guhit ni: mangguhit.
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

Unang latag

Isang latag ito na makikita sa pahina ng askals1 na sa wakas ay nabigyan ng liwanag at napagpagan ng alikabok. Ito'y mabibili sa kauna-unahang Komikon sa UP Bahay Ng Alumni sa ika-22 ng oktubre 2005. Minsan itong pinagkaabalahang isulat ni Dodo at iginuhit ni: mangguhit!  

Muli ang Askals1 po ay "indie"...ibig pong sabihin... "indi colored", black and white po.