Sunday, December 25, 2005

Astig!

Image hosted by Photobucket.com

Hindi ko alam kung sino nagdrowing,
nakita ko lang dito: Pacland,
minsan nakakaaliw din talaga gumawa ng caricature.

tsaka January pala Manny Pacquiao and Erik Morales
epic 12-round showdown, called "The Battle."

Pasko ay Sumapit na!

Maligayang Pasko sa inyong lahat!
Sana mabuhay pa ang mundo ng komiks natin,
at mabuhay ang mga mangguguhit ng Pilipinas!
God Bless!

Thursday, December 15, 2005

Dagdag pahina

Masyado yata talaga kaming mitikuloso ni Dodo,
nagdagdag pa kami ng mga ilan-ilang pahina sa Askal 3.
Konting pantahi lang sa kwento...

Ito ang una naming pagsubok sa pagawa ng komiks,
kaya amenado na may mga konting butas.
Ganyan talaga, patuloy ang pag-aaral.

Maglalagay ako ng anunsiyo tungkol sa paglabas
ng huling issue(3)ng askals kung kelan
at saan pwede makakuha,
Malapit na!

Image hosted by Photobucket.com

Thursday, November 17, 2005

Patalastas muna

Isa sa mga storyboard na walang kinahinatnan...
Product endorser sana si Cezar Montano.
Wala lang... 1998's pa yata ito.
Bago pa lang ako natututong magkulay sa Photoshop.
Miss ko na rin yung mahaba-habang oras sa paggawa ng storyboard.
Mas nakaka-enjoy.
Di ko na maalala kung si Alex o si Dodo ang ka-team ko dito.

Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, November 15, 2005

Lastikman

Opo, si mangguhit ang nagbagong anyo kay Lastikman
na tinampukan ni Mark Bautista at Sarah Geronimo.

Hanggang sa papel lang ako kasali,
Wala akong alam dun sa pelikula he he he...

Image hosted by Photobucket.com

Monday, November 14, 2005

isang panel sa Askals3.
Ang huling yugto, may 30 pahina ito
hindi pa sigurado kung saang tindahan ilalagak,
pinag uusapan pa namin ni Dodo.
Ang unang dalawa ay malapit ng maubos.
wag mag-atubili... bumili na kayo.

Image hosted by Photobucket.com

Abangan sa Disyembre 2005.

Tuesday, November 08, 2005

Angal ka ha? Ha?!

Pasensiya na kayo...
ang taong to ang pinaka madali kong mahagilap
pag kailangan ko na huwaran...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket>

Salamin yung dinodrowing ko...
yan ang kinalabasan. he he he.

Saturday, November 05, 2005

Salamat kay Reno, Gerry at iba pa

Maraming salamat sa mga tumangkilik at umalalay sa Askals 1&2
Ngayon ay sigurado na may issue 3 na.

Totoong naging matagumpay ang kaunaunahang Komikon.
Yun ang unang pagkakataon kong makaranas
ng ganoong klase ng "Pakana" (yun din ang unang lagda ko
sa mga komiks ko he he he).
Wala man akong basehan ng paghahambingan,
sa nakita kong pakikiisa at pakikisaya
ng bawat grupo na narororon ay nasaksihan ko
ang lubos na kasiyahan. Hindi ako magtataka
kung sa mga susunod pang mga taon ay maulit
at mas maging matagumpay pa ito.

Ako man ay nalubos ang kasiyahan ng makadaupang palad ko
ang komik superstar na si Leinel Yu,
Salamat din kay Edgar Tadeo, Marco Dimaano,
Arnold Arre, Budjette Tan , kay Reno Maniquis na naghain ng tulong
para mapakawalan sa booth ni Maskarado ang Askals.

At kay Gerry Alanguilan na totoong laging nariyan at handang magbigay ng suporta sa mga gustong magkomiks.

Ang puna na ito ay nabasa ko sa journal ni Gerry, salamat sa pagbigay-pansin
sa guhit ni: mangguhit


"Manning the booth kept me pretty busy and I never really had a chance to go around and check out what the other groups have come up with. I did manage to get some mini comics from some booths, and one of the most remarkable ones I got was Askals #1 and 2 by Dodo Dayao and Bong Leal.



Bong Leal is one of the most remarkable Filipino artists I've seen in a while. Budjette Tan recently uploaded a pre-hispanic story that Bong illustrated that just blew my socks off. So when I learned that he was drawing Askals, I made sure I got copies.



The attention to detail is amazing. Their depiction of Quiapo is authentic and well executed. If I can offer anything constructive, it would be 2 things. First would be my wish to see all of the pages inked. The uninked pages contrast heavily with the pages that have been inked, as the latter all look excellent. It gives an impression that the world is somehow unfinished, and makes you wish you could go back at a later date until it's done.

The 2nd would be the appearance of the gangsters cruising the Quiapo streets in a topdown, an image that seems more consistent with African-American gang culture rather than Filipino gang culture. The imagery is a little distracting, specially when contrasted with the authentic Quiapo backdrop.

Aside from that, I think this is a pretty good effort, and I'm definitely there for the next issue".

Wednesday, October 19, 2005

365 days of freedom

1998.
Image Dimensions Advertising.
Isang ambag ko ito bilang paggunita
at pagdiwang ng ika-sandantaon taong kalayaan
ng Pilipinas mula sa pagkakasakop ng Espanya.

Bilang pakana ng aming presidente(Nonna),
ang bawat isa sa aming tanggapan ay naatasang lumahok.
Ibat-ibang uring likhang sining, may oil paint sa canvass,
water kolor, pen and ink, colored pencil,
maskarang bading, may cake desayn, air brush,
tula, kwento, may Kulads, may litrato, may menu
at syempre pa may komiks. Inipon at inihulma
sa isang libro ng talaarawan upang ipamigay ng libre.

Image hosted by Photobucket.com

Komiks sa kanbas na may pamagat na: "Ebidensiya"
Guhit ni: mangguhit

Tuesday, October 18, 2005

Friday, October 07, 2005

Habang tulog

Nabuklat ko lang ang sketch kong ito isang gabi habang
inaayos ko ang sandamukal kong kalat.
May katagalan ko na rin palang hindi ako nakakaguhit
ng ganito...in-sketch ko ito gamit ang pentel brush...
Kapag relaks ay madaling nagagawa
ang ganitong klaseng guhit ni: mangguhit




Ang modelo ko nga pala ay walang iba kundi ang aking mahal na maybahay.

Wednesday, October 05, 2005

Oras

Isang panel sa kasalukuyan kong pinagkakaabalahang komiks na di matapos-tapos.
Sabado't linggo lang talaga ako nakakadrowing, minsan hindi pa.
Sa trabaho ko, sinusulit kami ng husto kaya pagdating ng bakasyon talagang pahinga lang.
Mahirap din kasing gumuhit pag-uwi galing sa opisina bukod sa gabi na,
pagod ka pa at syempre humihingi rin ng oras ang aking mga bulilit at asawa na gustong maglambing.
Minsan nga naiisip ko na ang bawat sandaling ginugugol ko sa pagguhit
ay siya ring sandaling oras na inaagaw ko sa kanila.

Kaya ang munting 'nyong pagtanaw aking ginuhit ay katumbas ng mahahalagang oras na inamot ko sa kanila.

 


Salamt sa mga nag-ukol ng pansin sa guhit ni: mangguhit

Thursday, September 29, 2005

Pagnasaan nyo!

IPINAKIKILALAHHH....(mala boses ng trailer ng pelikulang pinoy) ang walang kahalupilip na alindoghhh...ahhh
...KAAKIT-AKITHHHH... at nagtataglay ng...biyayang natatangi lamang sa kanyahhhh...marami ng karanasanang sa mga GUHIT...
... pahigahhh...patayohhh...patagilidhh...paupo at iba't ibang klase't
posisyon ng guhithhh...
tunghayan....walang kakupas-kupas...
na mga guhit ni: mangguhithhhh... MALAPIT NA!

 


Ip it is prom mangguhit....It mas be Gu(d)hit!

Friday, September 23, 2005

Patalastas!

Ako'y napunta sa trabahong (pagawa ng patalastas)
na noong una ay hindi ko masyado gusto.
Bantulot man ako... ngunit talagang kailangan...
Kailangan kung magtrabaho at magsimula
para sa kinabukasan...

Ang naghihingalong industriya ng komiks ay tuluyang lumabo na.
Sa aking paghahangad na makagawa ng isa
(na umaasa balang araw maiskatuparan)
minsan ay nailalapat ko sa ibang midyum
ang aking hangarin...
at ganito nga ang nagiging bunga...
...basahin... o.... panoorin nyo he he he...
isang patalastas lang po...
...na guhit ni: mangguhit.
Image hosted by Photobucket.com
...at si Dodo rin nga pala (na isa ring laking komiks) ang ka tambal ko dyan.

Thursday, September 22, 2005

Unang Karanasan

Ito ang una kong komiks na nalatahala
Ginawa ko ito nung mga panahon
na ang komiks ng pilipinas ay unti-unti ng nawawala.
Basta namalayan ko na lang ang aking sarili sa harap ng gate ng Atlas publication. Wala nagrekomenda sa akin dun, wala akong taong personal na kakilala dun, ipinagtanong ko lang sa drayber ng dyip ang address sa komiks na nabili ko sa isang newstand.

"Sino pupuntahan mo?"
" May dala ka ba'ng sampol?" naalala ko tanong ng guwardya sa akin.
"Patingin. Kaya mo ba magdrowing ng tao na nakaharap? nakatagilid? nakatalikod? pero magkakamukaha?Iba-ibang anggulo?" hindi ko sinagot, pinakita ko na lang ang drowing kong isang page lang he he he...nung makita ay pinapasok naman ako. Kasalukuyang nag-aaral ako ng fine arts ng mga panahong yun.

Dun ako pinapasok sa isang tanggapan ng Punong Editor, medyo may edad na, siguro 58 o 60 na. " Kulang pa kulang pa... Nang makita ang drowing ko. Magdrowing ka pa...magdrowing ka araw araw kung gusto mo talagang magkomiks."
Pinahingi ako ng sample script sa isa sa mga editor dun para daw pagpraktisan ko.
"Pagandahin mo mabuti yan ha? kung kailangan mo mangopya sige ayos lang. basta maganda." sabi pa nung editor.
Ganun pala mag-apply na komiks illustrator sa isip-isip ko.

Nung sunod na balik ko para ipakita ung sampol na ginawa ko okey naman daw,
baka pwede na...wag lang daw masyado madaliin... kaya yun binigyan na ako ng script.
At ito nga yun. Ang unang komiks na guhit ni: mangguhit.
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

Unang latag

Isang latag ito na makikita sa pahina ng askals1 na sa wakas ay nabigyan ng liwanag at napagpagan ng alikabok. Ito'y mabibili sa kauna-unahang Komikon sa UP Bahay Ng Alumni sa ika-22 ng oktubre 2005. Minsan itong pinagkaabalahang isulat ni Dodo at iginuhit ni: mangguhit!  

Muli ang Askals1 po ay "indie"...ibig pong sabihin... "indi colored", black and white po.